Sembreak
Ang paboritong panahon ko ngayon. Isang panahon upang magnilay-nilay sa mga kabalbalan ko sa unang semester ko sa kolehiyo. Hindi madali sa akin ang pag-adjust sa aking paligid at mga kasamahan ko sa araw-araw. Hindi madali ang paggawa ng mga papel para isumite sa aking mga profs. Ang napakasaklap pa nito, naging medicore lang ako. Nakakadepress, nakakapanghinayang.
Kaya andito si sembreak. Andito siya upang tulungan ako para sa susunod na limang buwan ko sa kolehiyo. Andito siya upang ipaalala sa akin ang mga dapat kong gawin para hindi ko na ulit matikman ang sampal ng pagbagsak. Shemay, kabuhayan ko nga ito ngayon ika nga. Walang papetiks petiks at kailangan humanap ng mga makabagong paraan upang huwag tamarin (kabuhayan nga ito oo).
At dahil nandito na si sembreak, inaayos ko na yung mga kalat ko sa kwarto na hindi ko naatupag simula nooong summer dahil sa yearbook (ay ibang kwento ito). Habang nagliligpit, pinapanood ko yung Anastasia at yung Once. Kahit nakakakilig ito, ang stoic ko lang buong magdamag.
At dahil nandito si sembreak, maraming happenings sa buhay.
At dahil nandito si sembreak at sasaglit lang siya, lulubus-lubusin ko na ang pagninilay-nilay at pagpapahinga. Ito nga ay yung oplan pulling myself together.
Aalagaan naman kita, sembreak. Bakit ayaw mo pang tumagal sa piling ko?